Filed under: Randomly Random | Tags: :Isang, bigkas, C.C, filipino, Jr., Kabataan, Marquez, Pagtatanong, sabayang, tula
Kabataan:Isang Pagtatanong
C.C Marquez, Jr.
Ako, ikaw…kayo…sila…tayong mga kabataan,
Saan natin ihahatid itong ating inang batan?
Sa altar ba ng pag-asa o sa bibig ng kabiguan
Sa paanan ba ng langit o bunganga ng libingan?
Dapat tayong manghilakbot…dapat tayong kilabutan
Sa lahat ng pangyayaring nagaganap ng hayagan…
Unti-unting naglalaho nang di natin nalalaman
Ang sariling tatak natin bilang Perlas ng Silangan;
(namiss ko yung Hertz nung nabasa ko to, ansaya talaga ng HS, i miss our practices para sa sabayang pagbigkas tapos si riel maingay! hahaha.
nagpapagalit sya kahit mahal nya tayo. yee!
miss hertz! grabe! sana rewind para masaya! enjoy the rest of the tula …)
Kilos natin at damdamin…ang kultura’t kabuhayan,
Dahan-dahang nalalagom ng masakim na dayuhan!
Nanaisin pa ba natin ang magbalik ang panahon
Ng nabaon na sa limot na duguang mga taon…?
Noong tayong mga kabataan ay may pusong nag-aapoy
At wala ng hinahangad kundi gulo’t rebolusyon?
Sa kumpas ng paarala’y nais pa ba natin ngayong
Maglagay ng barikada’t magdaos ng demonstrasyon?
Di ba’t dahas ay sa dahas sumugpong na lubos noon
Upang ganap na sikangan ang sa baya’y nagsusulsol?
Kabataan…kabataan…ako nayo’y nagtatanong:
Saan natin ihahatid itong ating henerasyon?
Papayagan kaya natin sa sarili nating bansa,
Ang sariling tatak nati’t kakanyahan ay mawala?
Sa kultura ng dayuhang dito ngayo’y bumabaha,
Ang sariling kalinanga’y lulunurin na rin kaya?
Ang malagim na kahapong dugo’t luha ang napunla
Bakit ngayong susupling na saka tayo nagpabaya?
Ang aral ni Dr.Rizal na tayo’y pag-asa nga,
Bakit ngayo’y aral pa ring matupad ni bahagya?
Sa paningin ng daigdig, dapat tayong mangahiya-
Pilipinong naturingan ay dayuhan ang kamukha!
Ikaw kaya’y isang bulag at hindi mo nakikita
Ang talamak na pagyurak sa sarili mong kultura?
Sa harap ng telebisyon panatag kang nakatawa
At ni hindi ka mapaknit kung dayuhan ang programa
Ang likas mong panooring makulay na zarzuela,
Ngayo’y nagging video tapes at Betamax sa tuwina
Ang tamis ng tulain mo at kundimng pangharana,
Pinalitan mo ng disco, ng swing, ng rock, boogie;
Dumilat ka, kabataan…ang lahi mo’y nakukuha
Ng dayuhang sa bansa mo’y nagpapanggap na turista!
Ang agwat ng talastasan ng magulang at anak,
Hindi mo ba napapansing kaylawak ng isang agwat?
Dumaraan ang maghapo’t lumilipas ang magdamag,
Ni putol mang dayalogo’y hindi kayo nakabigkas;
Kahit isang problema mo…sa kanila’y di naungkat,
Kaya ito’y nananatiling suliraning hindi malutas…
Papaano, tayong bunso’y sa lansangan nagpupuyat
Sila namang ama at ina’y sa Gawain nagbababad;
Ah! Sa aba ng Maykapal… kapag ito’y di nagwakas,
Wawasakin ang pamilya’t ang bansa mo’y malalansag.
Ikaw, ako…kayo, sila… dapat tayong mangag-isip,
Itong ating Inang Baya’y saan natin ihahatid?
Sa altar ba ng pag-asa o libingang sakdal lamig?
Sakuko ng kabiguan o tagumpay na marukit?
Tayong mga kabataan ang pag-asa ng daigdig,
Sa magulang at ninuno’y tayong lahat ang magpapalit
Ang kultura’t kabuhayan ay linanging buong higpit
Upang tayo’y makalaya sa dayuhang mapanggipit;
Isang bansa… Isang diwa ang sati’y bumibigkis,
Tayo’y mga kabataan… Pilipino bawat saglit!
13 Comments so far
Leave a comment
<a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <pre> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>







nice post…how’s life in Diliman? I’m from UPm and I’ve always envied your sunken garden…hihi
Comment by raiza August 30, 2008 @ 8:20 pmay teka sorry…naguguluhan na ako…are you from UPm or UPd?
Comment by raiza August 30, 2008 @ 8:25 pmim from UPm ate.
Comment by clevearguelles03 September 2, 2008 @ 6:50 pm..kUA anG hiRAp poNG maG gwa nG acTioN 4 saBAyaNG paG biGkas…
..wiLL u pLzz hELp uS… jusT giVe us sOME advice…
…_tHAnk u_…
Comment by mhiey September 9, 2008 @ 8:45 pmc.c marquez jr is my grandpa he was very talented. i miss you taty….
Comment by maravillas marquez hernandez November 26, 2008 @ 4:03 pm..ganda ng pagkagawa..reality yung isinulat..
Comment by florelyn sagaral February 23, 2009 @ 10:08 pmYeap. Amado Hernandez is a good writer talaga.
You should read his other works.
Comment by florelyn sagaral February 23, 2009 @ 10:09 pmhow 2 pronounce “batan”?
and what’s the meaning of this?
kindly answer it..
tnx
Comment by karina July 25, 2009 @ 9:31 amthis is an example of
talumpati?
how 2 pronounce “batan”?
and what’s the meaning of this?
kindly answer it..
tnx
Comment by karina July 25, 2009 @ 9:32 ampaano ba bigkasin ang talumpating ito?tnx
Comment by marichu amatong August 21, 2009 @ 8:37 pmwhen i read it..8s good to hear that there stl a person ,,ho has a ful concern wd ol reality of todays…i hop that there will be a downlod file in u-tube ho tried to do it bilang isang tagatalumpati
Comment by marichu amatong August 21, 2009 @ 8:43 pmis this talumpati written by a student?

Comment by mariaenne September 15, 2009 @ 5:33 pmnice work.
and who’s C. C. Marquez by the way?
this could definitely be an inspiration to our youth.
keep up the good work.
it’s so nice..this will be my piece in iour filipino semi-finals.!
Comment by rhea September 21, 2009 @ 8:57 pmcontinue doing it.!