Filed under: Academics, Manila Science | Tags: Gone, high, manila, popular, school, science
I just want to end the issue na ginawa ng post kong Manila Science HS is gone. Pero I’am not saying na may sinabi akong hindi totoo. At kelangan natin kumilos.
If you can remember sinabi ko na sinabi sa akin ng isang guro na gagawin ng Araullo HS Annex ang MSHS. Hindi iyon isang literal na pagpapalit pangalan o kahit ano pa mang mangyayari na isasama o gagawing Araullo ang Mataas na Paaralang PangAgham ng Maynila. Sa mga sinabing iyon, nais lamang niyang iparamdam sa akin kung ano na ang kinalalagyan ng ating mahal na paaralan ngayon. At ganun rin naman ako, nais kong maramdaman ninyong lahat iyon.
May mga nagsabi ng kanilang mga kuro-kuro ukol sa aking post. Bakit daw nadamay ang Araullo? Hindi lingid sa kaalaman nating lahat na madalas ikinukumpara ng ating mga guro ang ating mga maling gawain sa Araullo. Parang ganito, “Ano to? Nasa MaSci ka. Gawang Araullo yan ah!” Madalas kasi itong banggitin sa atin dahil sila ay malapit sa ating paaralan. Tumatak lamang sa ating isip na mas mataas tayo sa kanila hindi dahil masama at hambog tayo kundi dahil sila ay regular at tayo ay isang science high school. It’s very clear. In general, no one would say that a regular high school is equal to a science high school.
Paninindigan ko pa rin ang lahat ng aking sinabi o isinulat o ipinublish sa blog na ito.
1. First class were changed from the normal 7 am to 8 am or sometimes 10 am.
1.Must be subject to further study. There may be benefits, but definitely disadvantages in moving time to 8. Anyway, as far as I know, (kindly correct me if mistaken) Pisay starts as 8:30, but maybe its a concession to the dormers there. Their classes also end commonly at 2 pm.
Personally, nakakaasar at nakakainis na hindi na 7 am ang pasok ng ilang mga mag-aaral. Nung ako nasa MSHS, sobrang pahirapan ang paggising sa umaga. Palagi akong huli at palaging napapagalitan. Akala ko rin yung pasok na maaga e walang maidudulot na maganda sa akin. Pero pagdating ko sa college, nag pay-off naman sya. Dito kasi sa aking pamantasan … may mga patakaran sa pagiging late o huli sa klase. Gusto kong malaman ninyo na madami ang na-drop sa class namin na 830 am dahil hindi sila sanay sa maagang pasok dahil nasanay sila sa dati nilang mga paaralan na tanghali/ di gaanong maaga ang pasok. 830 pa yun ah. What more kung 7 am yung class na yun? We have to sacrifice small thing for a better future. Yun na yun.
And Pisay don’t start at 830. They start at 7am and end at roughly 4-420 pm.
2. [hearsay]
2.Matagal na yan =)
Oo nga bombarded tayo, pero natatapos naman natin, di ba? Nagcoconcessions din naman sila kung talagang mejo matindi na ung carpet bombing.
As far as I know, may quota ang pisay sa daily assignments. I just do not know the exact workings of the system, pero possibly adaptable din yon.
Sa college … walang quota ang assignments! Walang quota ang requirements at kahit isa lang ang assignment mo … kailangan mo naman ng madaming hakbang para magawa/matapos iyon. Sa akin, nakatulong talaga ang napakarami na assignments nung high school ako. Hindi ako na-schock/na-pressure sa kahit ano mang dami na dapat gawin nung nasa college na ako. Lahat talaga ng mga paghihirap sa MSHS mababayaran sa kolehiyo. Paghihirapan natin talaga ang lahat. Natatandaan ko pa na super late akong natutulog dahil sa dami ng gawain … pagdating sa college … hindi nako nahirapan na mag stay ng late sa paggawa ng mga assignments.
3. As far as i can remember, natanggal na ata ang RWE sa sophomore eh.
Maganda rin na talagang science and research oriented ung mga subject, hindi puro etchos lang.
I disagree eh. Don’t worry … I respect your opinion. Hindi lingid sa kaalaman nating lahat na ang mga nagtatapos sa MSHS ay kumukuha ng iba’t-ibang kurso pagdating sa kolehiyo. Mayroong kumukuha ng kurso na Bachelor of Science at mayroon namang Bachelor of Arts. Hindi kasi required sa graduates ng MSHS ang kumuha ng isang BS course kaya unfair kung magiging science lahat talaga ng mga asignatura. Ako mismo ay nasa field ng Arts, kinuha ko ang kurso ng Agham Pampolitika. Nakatulong sa akin ang napaka rigorous na training sa science at ang semi-rigorous training sa arts field. Napakabalance tuloy ng kaalaman ko. Mahihirapan kasi tayo kapag nagfocus tayo sa science at iwanan ang ibang field dahil sa college kahit science ang course mo, you still have to take subjects in Arts and Humanities field. The same way with Arts courses na kailangan pa ring kumuha ng subjects sa Math and Science and Technology field.
4. [hearsay]
5. This is so true. Natatandaan ko pa yung sinabi niyang mga section eh na nasa sophomores pero ayoko ng banggitin.
One of the things na hinahanap sa isang magandang school ay ang student number sa isang class. Kahit anong institution ang goal eh, pababain ang number of students sa isang class. Dahil nga isa tayong science high school, dapat lang na magawa natin ito. Kaya mga 30 students per class ang ginawa sa MSHS. Kaya ito ginagawa para matutukan ng guro ang lahat ng mga mag-aaral sa one-on-one basis. Alam niyo ba na as stated by THES na isang research group … ang ideal number of students sa isang class ay 15? Masayang isipin na kahit malayo tayo sa ideal, masasabi kong isa tayo sa pinakamalapit sa ideal number na iyon. Pero bakit natin pababayaan na maging 60 students sa isang class?
(quoted part from a post by Ace Serraon)
——–
“We have to do something. We have to sustain the tradition of REAL EXCELLENCE.”
Cleve Kevin Robert V. Arguelles
Batch 2008, Manila Science High School
First Year, Dalubhasa sa Sining ng Agham Pampolitika
University of the Philippines Manila
9 Comments so far
Leave a comment
<a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <pre> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>






badtrip pa din sila. nakakainis. infairness may natutunan ako sa RWE.
Comment by gwen foster October 12, 2008 @ 3:55 pmthis concerns me a lot, lalong-lalo na ang mga kung anong-anong pinagagawa sa masci… tsk tsk…
Comment by paulgallegos October 12, 2008 @ 4:05 pmHi there. Grad din ako ng Science High and its really alarming kapag may naririnig kang balita, lalo na as grave as this. To think you’re almost like Pisay na in terms of excellence. At nangyayari ito, alarming.
Buti na lang yung school namin nag iimprove kahit bobo na ang mga sumunod na batch.
Comment by Rommel October 12, 2008 @ 4:33 pmpossibly, science oriented lang tlga ako. dialogue na lang sa taas.
Comment by Ace October 12, 2008 @ 7:08 pmWoo. Grad din ako. 06.
Sa Monday na yung foundation day nila (13 October), dapat nung Friday eh, kaya lang malakas daw yung ulan.
Wala ng Field Demonstration ang mga students, nagrereklamo daw kasi yung mga parents. So yung mga teachers na lang daw yung sasayaw.
Though masayang makita na sumasayaw ang mga teachers, the heck, saang school ka nakakita na hindi magpeperform ang mga students pag foundation day?
Sobra naman, hindi na nga sila nag-eexcel sa acads (or so I thought), hindi pa sila nageexcel sa arts (kung yun man ang category nun). Saan na lang sila mag-eexcel, pagsali sa Eat Bulaga?
Comment by Yobu October 12, 2008 @ 8:45 pm[...] the Readers MASCI’s GONEAn End (MSHS IS GONE)National Flag DayWEIRD flip-flops.MYX Daily Top 10 [...]
Pingback by MASCI’s GONE « the.makings.of.an ILLUSTRADOS October 13, 2008 @ 11:19 amHi cleve, kim here! Yeah, ipaglaban mo yan. Akala ko rin nung una hindi kailangan ng mga extra subjects tulad ng Humanities, RWE or whatsoever, pero doon kasi natin malalaman yung profession natin eh, parang realization. Very alarming na nga ang nangyayari sa Masci. Masci should participate more on Science Fair than joining Eat Bulaga!
Comment by kim October 13, 2008 @ 4:52 pmaun po. . salamat po sa pagpapaalala sa amin na nasa excellent school kami . . im sorry po kung sa tingin nioh na isa po kami sa na sa tingin nioh na nakakababa ng standard ng masci . . aun po. . tnx po ulit, im a freshman po in MaSci . .
Cleve din po nickname quh. . hehe . . ^_^
Comment by cleverlyn mayuga aka cleve October 14, 2008 @ 7:51 pmregister na sa official website ng masci and join our forums!
manilascience.edu.ph
Comment by alcon October 24, 2008 @ 4:32 am